Friday, August 15, 2014

Paano Tayo Nagkaroon ng Kalayaan?

Maikling Buod ng Kasaysayan ng Pilipinas



   Ng ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay labis na hinangad ang kanilang kalayaan. Ang mga Pilipino ay bumuo ng mga kani-kanilang pangkat para sa rebolusyon laban sa mga Espanyol. Isa sa mga pangkat na ito ay ang KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) o mas kilala bilang“Katipunan”. Pagkatapos matuklasan ng awtoridad ang Katipunan noon Agosto 1896, nagsimula na ang armadong pakikibaka ng Katipunan. Di rin makakalimutan ang mga Pilipinong martir na nagbuwis ng buhay para lamang makamit natin ang hinihiling na kalayaan. Isa na dito ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Makalipas ang ilang buwan ay nalaman ng mga Espanyol na pangulong pandangal si Jose Rizal ng Katipunan, dahil dito ay hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 30, 1896. Gayon pa man, ang pagiging martir ni Jose Rizal ang nagdagdag sa rebolusyon ng mga Pilipino. 

   Ang simula naman ng pananakop ng mga Amerikano ay ng dumating ang armada ni Commodore George Dewey sa Manila Bay noong May 1, 1898. Ito’y dahil inutusan si Commodore Dewey na pumunta ng Pilipinas upang pabagsakin ang hukbo ng Espanya. Matapos matalo ng mga Amerikano ang hukbo ng Espanya, inakala ng mga Pilipino na ang mga Amerikano ay gustong tulungan ang Pilipinas laban sa Espanyol. Ito ang naging dahilan sa pagbalik ni Emilio Aguinaldo galing ng Hong Kong noong May 19, 1898. Si Aguinaldo ay nagpasya na tulungan ang mga Amerikano laban sa mga Espanyol. 

   Sa mga panahong ito, idineklara ni Aguinaldo ang araw ng kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898. Sa unang pagkakataon, itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa nila Marcella Agoncillo at Delfina Herbosa; gayon din ay ipinatugtog ang ating pambansang awit na binuo ng kompositor na si Julian Felipe. Ang mga Pilipino ay lubos na naramdaman ang saya dahil sa wakas ay nakamit na nila ang inaasam na sandaling ito. 

   Dahil sa kanilang pagnanais para sa kalayaan, ang mga Pilipino ay bumuo ng sarili nilang konstitusyon na itinatag ang Republika ng Pilipinas bilang isang demokratikong bansa. Subalit, walang bansa ang kumilanlan sa bansang Pilipinas. Samakatwid, ang mga Pilipino ay naghandang humarap sa mga Amerikano bilang susunod na mga mananakop. Nagsunod na dito ang mga pangyayaring “Treaty of Paris” at ang digmaan ng Pilipinas laban sa America. 

   Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan sa mga Amerikano sa pamamagitan ng pakikipaglaban at dahil na rin sa kanilang malakas na hangad para sa tunay na kalayaan. Habang ang gobyerno ng Estados Unidos ang samantalang kumokontrol sa bansa, ang mga Pilipino ay padahandahan na natututo mula sa mga Amerikano. Unti-unting umunlad ang lipunan at nakapagtatag na rin ng sariling gobyerno ang Pilipinas. 

   Ngunit nagbago ulit ito ng pasabugin ng Japan ang Pearl Harbor. Nagulat ang America sa nangyari, at ito ang naging dahilan ng pagumpisa ng World War II sa Asya. Sinakop ng mga Hapones ang bansang Pilipinas noong December 10, 1941. Pero sa kabila ng pagsalakay ng mga Hapones, ang republika ng pamahalaan ay patuloy paring nangangasiwa. 

   Pagkatapos ng ilang taon ng pakikipagsapalaran laban sa mga Hapones, naging proyekto ng bagong president ng Pilipinas na si Sergio Osmena, Sr. na muling itayo ang bansang nawasak ng digmaan. Pinamahalaan at isinaayos ni Presidente Osmena, Sr. ang ekonomiya at problema ng Pilipinas. Si Presidente Harry S. Truman ng Estados Unidosay nagbigay na rin ng pahayag (Proclamation 2656 – Independence of the Philippines) tungkol sa kasarinlan o kalayaan ng Pilipinas noong July 4, 1946. Simula noon, muling naging malaya na ang Pilipinas mula sa mga mananakop at isa nang tunay na malayang bansa. 


21 comments:

  1. it helps me a lot... thank you for this post , I appreciated it a lot.

    ReplyDelete
  2. salamat ulit..😊😊😊😊

    ReplyDelete
  3. Wow ang ganda ng history ng ating bansa

    ReplyDelete
  4. Salamatt po..anlaking tulong po para sa takdang aralin ko❤

    ReplyDelete
  5. salamat may takdang aralin na kapatid ko

    ReplyDelete
  6. Thank you so much .
    God bless you

    ReplyDelete
  7. It helps a lot in my homework! Thank you so much for making it! πŸ’“πŸ’“πŸ’“πŸ˜πŸ˜πŸ₯°πŸ₯°

    ReplyDelete
  8. salamat! ito ay nakakatulong sakin!

    ReplyDelete
  9. Sobrang nakakatulong sa pagsagot ng module, ang galing ng pagkasummarize

    ReplyDelete
  10. Nakakamangha ang history ng bansang Pilipinas, iyong nag eenjoy ka talaga magbasa dahil alam mong totoong nangyari ang lahat ng 'yon. Salamat po dito, ang laking tulong

    ReplyDelete
  11. Wow, thank you! It helps me a lot😊

    ReplyDelete
  12. salamat haha gagawa po KC ako Ng kanta about kalayaan dto ko na Lang po kukunin Ang lyrics lamats

    ReplyDelete